Posts in "Tours" Category

ULTIMATE WINE TASTING TOUR SA 5 TERRE

Ang teritoryo ng 5 Terre at ang baybayin mula Levanto hanggang La Spezia ay nag-aalok ng malawak na hanay ng mga itineraryo: buong araw na pamamasyal sa pamamagitan ng bangka o tren, kalahating

araw na mga pamamasyal sa pagtuklas sa Gulpo ng La Spezia, Lerici at Portovenere, ngunit para sa aking suking na mga panauhin, Ako’y nagagalak na mag-alok ng “ultimate wine tasting tour”

Halina’t samahan mo ako sa pagbisita sa mga lokal na cellar at makipag-kwentuhan sa aming mga producer at winemaker.

Ang pagtikip ng isang baso ng 5 Terre wine ay mistulang pagtingin sa ligaw na kagandahan ng ating lupain, pagtuklas sa kasaysayan ng alak at ating baybayin, pag-unawa at pagpapahalaga sa mahirap na buhay ng mga magsasaka at winemaker sa paglipas ng mga siglo, pag-aaral na pangalagaan ang isang marupok na kapaligiran.

Cinque Terre Wine & Walking Tour

Ang Walking Tours Saison sa 5 Terre ay hindi pa rin natatapos!

Simula sa Disyembre, i-book na ang iyong kalahating araw na itineraryo upang matuklasan ang isang nayon ng 5 Terre. Sa pagtatapos ng paglalakbay ay magkakaroon ng paghinto sa isang lokal na tindahan ng alak na talaga namang nakakarelaks at nakakapawi ng pagod, kung saan, may pagtikim ng mga lokal na alak.

Ibabahagi at ipaparanas sa iyo ng AIS Sommeliers ang kakaibang lasa, bango at tradisyon ng Cinque Terre Wines.

Ang alak ay isa sa mga pinaka-sibilisadong bagay sa mundo at isa sa mga pinaka natural na bagay sa mundo na dinala sa pinakadakilang kasakdalan, at nag-aalok ito ng mas malawak na hanay para sa kasiyahan at pagpapahalaga kaysa, posibleng, anumang iba pang bagay na puro pandama“.

(E.Hemingway)

Cinque Terre Boat Tours

Ang pambihirang paraan para mabisita ang Cinque Terre at Gulf of Spezia!

Magsaya at tangkilikin ang nakakapawing pagod na biyahe sa bangka at tuklasin ang nakatagong kagandahan ng Cinque Tere at Gulf of La Spezia habang naglalakbay sa kahanga-hangang baybayin ng National Park sakay ng isa sa aming mga de-kalidad na bangka.

Tuklasin ang Cinque Terre tulad ng isang lokal kasama ang inyong napakahusay na pribadong gabay sa paglalakbay.

Ang inyong tanghalian/mga pampaga/ pagtikim sa mga alak/mga inumin sa biyahe ng bangka ay kasama na.

Natatanging Karanasan : Gabay sa paglalakbay kasama ang isang propesyonal na litratista.

ExploreGalugarin ang makapigil hiningang kagandahan ng Cinque Terre sa isang kakaibang paglalakbay! Kami ay inyong samahan sa hindi malilimutang pakikipagsapalaran sa naggagandahan at makukulay na nayon sa baybayin ng karagatan, habang ang iyong bawat sandali ay kinukuhanan ng isang dalubhasang litratista. Ikaw ay aking aakayin sa makikitid na kalye, magagandang tanawin, at ako’y hayaan mong ibahagi ang mga kamangha-manghang kwento sa likod ng magagandang nayong ito sa baybayin ng karagatan. Tuklasin ang dalang mahika ng Cinque Terre kasama kami at baunin ang mga hindi malilimutang alaala ng napakagandang karanasan sa paglalakbay na ito!

GuideLiguria